Mariing iginiit ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo at vice chairman ng House Committee on Public Accounts, na hindi sila kumbinsido sa naging paliwanag ng ABS-CBN patungkol sa labor issues nito.

Congressional resolution para bigyan ng provisional franchise ang ABS- CBN, inihain sa Kamara  

National News

Naghain ng panibagong congressional resolution si Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez para himukin ang Kongreso na bigyan ng provisional franchise ang ABS- CBN hanggang sa taong 2022.

Sa ilalim nito, umaasa si Rodriguez na mapapadali ang franchise hearing sa kabila ng COVID- 19 pandemic ng bansa.

Nauna na ring nag-akda si Rodriguez ng isang house resolution para magkaroon ng 1-year extensionang prangkisa ng Kapamilya network; subalit hindi ito gumana.

Samantala, maghahain narin ng hiwalay na panukalang batas ang kongresista para sa 25- year franchise application ng ABS- CBN.

Ani Rodriguez, nakakalungkot na pinili ng National Telecommunications Commission o NTC na ipagkibit- balikat ang nagkakaisang boses ng Kamara at Senado na bigyan ng provisional authority ang nasabing kumpanya.