Connect with us

Community pantry ni Non, isang mataas na antas ng pagsasamantala – Ka Eric

Kinumpirma ni dating kadre ng New People's Army (NPA) Jeffrey "Ka Eric" Celiz na myembro ng communist party si Quezon City community pantry organizer Ana Patricia Non.

National News

Community pantry ni Non, isang mataas na antas ng pagsasamantala – Ka Eric

Kinumpirma ni dating kadre ng New People’s Army (NPA) Jeffrey “Ka Eric” Celiz na myembro ng communist party si Quezon City community pantry organizer Ana Patricia Non.

Ayon kay Ka Eric sa panayam ng Sonshine radio, si Non ay myembro na noong nag-aaral pa sa UP-Diliman at kabarkada pa nito si Chad Booc, ang siyang naghakot ng mga kabataang katutubo mula sa Mindanao papuntang Cebu at isa rin sa mga right hand ni Joma Sison.

Ayon kay Ka Eric, isang mataas na antas ng opportunism ang ginagawa ni Patricia Non.

Isang pagkukunwari lang din na umaaray sila sa umano’y red tagging na ginawa laban sa kanila para hindi agad mabisto ng publiko ang kanilang totoong motibo.

Ang magiging bottomline pa ng pangangalap ng donasyon nila ay mapupunta sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Paglilinaw pa ni Ka Eric, isang wake up call para sa mga LGU ang issue na ito ni Patricia Non kaugnay sa community pantry.

More in National News

Latest News

To Top