Connect with us

Committee hearings sa Kamara, sinuspinde ng isang linggo

Lusot na sa dalawang komite sa Kamara ang panukalang batas na magpapaliban sa contribution hike sa SSS at PhilHealth ngayong taon.

National News

Committee hearings sa Kamara, sinuspinde ng isang linggo

Suspendido muna ng isang linggo ang lahat ng committee hearings sa Kamara simula ngayong araw.

Batay ito sa mandato ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Ang kanselasyon ng mga nakalatag na committee hearing ay magsisimula ngayong araw, ika-19 ng Oktubre hanggang sa susunod na Lunes ika-26.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, ang hakbang ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang liderato para mapag-aralan ang magiging prayoridad para sa pagbubukas ng 2nd regular session.

Kabilang sa mga matatamaan ang nakatakda sanang joint committee hearing ng public accounts at good government and public accountability hinggil sa Philhealth.

Ayon kay Public accounts chairman Mike Defensor, tatalima sila sa kautusan ng liderato.

Tiniyak din nito na matutuloy ang kanilang committee hearing oras na matapos ang kautusan ng liderato.

Paliwanag ni Defensor, “In compliance with the memo of the Majority Leader as per guidance of the  Speaker , all committee hearings are cancelled temporarily for the leadership to regroup and coordinate priority legislative measures.

I apologized for this but Im assured the the Common Public Accounts may resume its deliberations after this. Pasensya na po sa lahat.”

Kabilang din sa mga mahahalagang committee hearing ang matatamaan ngayong linggo ay ang committee on suffrage and electoral reforms technical working group meeting na tatalakay sa 2022 National Election.

Pati na ang hearing ng committee on overseas workers affairs kaugnay naman sa mga programa sa mga Overseas Filipino Workers.

More in National News

Latest News

To Top