Connect with us

Comelec, kinansela ang inihaing COC ng isang independent candidate

Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ang 2 certificates of candidacy (COC) na inihain ni independent candidate na si Arlene Josephine Butay

National News

Comelec, kinansela ang inihaing COC ng isang independent candidate

Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ang 2 certificates of candidacy (COC) na inihain ni independent candidate na si Arlene Josephine Butay.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, tumakbo si butay bilang senador at bise presidente kaya kinansela ito ng Law Department ng Comelec.

Dagdag pa ni Jimenez, ang isang kandidato na naghain ng dalawang posisyon ay hindi na papayagang tumakbo.

Base sa listahan ng Comelec, nag-sumite si Butay ng kanyang 2 COC noong Oct. 8, ang huling araw ng paghahabla ng COC para 2022 general elections.

Ayon naman sa latest report ng Comelec, simula Oct. 1 hanggang 8, umabot sa 97 ang umabot bilang pangulo, 29 ang tumakbo sa pagka- bise presidente at 176 ang tumakbo sa pagka-senador.

Aabot naman sa 270 ang kabuuang bilang ng mga party list groups na naghain ng certificates of nomination and acceptance (CONA).

More in National News

Latest News

To Top