Comedy actor Michael V., nagpositibo sa COVID-19

Showbiz

Nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang comedy actor na si Michael V. o mas kilala bilang si ‘Bitoy’.

Inanunsyo ng komedyante at TV host ang balita sa kanyang Vlog.

Ayon kay Bitoy, nakaranas siya ng flu-like symptoms gaya ng ubo, sipon at nawalan siya ng pang-amoy at panlasa.

Agad naman aniya siyang nag-isolate matapos maranasan ang mga sintomas at nagpa-swab test matapos ang ilang araw ng pagkakaroon ng sintomas.

Aniya, natanggap niya ang resulta ng kanyang COVID-19 test noong Hulyo 18, araw ng Sabado.

Sinabi ni Bitoy na bumubuti na ang kanyang pakiramdam nitong mga nakaraang araw at hindi na nakararanas ng mataas na lagnat.