Connect with us

Colmenares, isa umanong high-ranking official ng CPP-NPA-NDF – dating kadre

Neri Colmenares ay isang opisyal na may mataas na posisiyon sa CPP-NPA-NDF

National News

Colmenares, isa umanong high-ranking official ng CPP-NPA-NDF – dating kadre

Isa pang dating New People’s Army (NPA) ang nagpatunay na ang representante ng Bayan Muna Party-List na si Neri-Colmenares ay isang opisyal na may mataas na posisiyon sa CPP-NPA-NDF.

Sa naging programa ng SMNI na Laban Kasama ang Bayan, isa sa naimbitahan sa nasabing programa ay dating provincial coordinator sa Zamboanga Del Norte ng Makabayan Bloc na si Ka Arkins Evangelista.

Dito niya isiniwalat na si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ay isang high-ranking official ng CPP-NPA-NDF.

” Sinend po saakin ‘yung authorization letter  na ako ‘yung naging, itinalaga na provincial coordinator ng kamatayan bloc dito sa Zamboanga del Norte sir na pirmado ni Colmenares”

Dahil dito, sinabi ng dating kadre na si Jeffrey “Ka Eric” Celis na maaaring gamiting material ng Rappler at ABS-CBN ang kanilang panayam kay Ka Arkins.

Ito ang naging resbak ng programang Laban Kasama ang Bayan na pinapangunahan ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson, Undersecretary Lorraine Badoy, Gen. Antonio Parlade at Ka Eric sa akusasyon ni Jauhn Villaruel ng ABS-CBN na nire-redtag di umano ng SMNI ang Makabayan bloc representatives.

Matatandaan na una nang itanggi ni Colmenares na hindi siya miyembro ng CPP-NPA-NDF nang tanungin ito sa nakaraang filing ng COC at CONA para sa 2022 elections.

 

More in National News

Latest News

To Top