Connect with us

COA, walang nakikitang overpricing sa mga nabiling medical supplies ng DOH

Walang nakita ang Commission on Audit (COA) na overpricing sa nabiling medical supplies ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).

National News

COA, walang nakikitang overpricing sa mga nabiling medical supplies ng DOH

Walang nakita ang Commission on Audit (COA) na overpricing sa nabiling medical supplies ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).

Wala din silang nakikitang anomalya sa naging transaksyon ng pamahalaan sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Paglilinaw ni COA Chairperson Michael Aguinaldo, nakafocus ang kanilang findings sa inventory management supply ng DBM.

Ngunit sa panglimang pagdinig ng Senate Blue Ribbon, inungkat ng mga senador na sa kabila ng maliit na capital  at kwestyonableng financial asset ang  Pharmally ay ito pa rin ang nanalong bidder sa procurement process ng PS-DBM.

Maaalala naman na sa mga nagdaang pagdinig ay ilang beses nang nagpaliwanag si dating PS-DBM Head Lao Christopher Lao na hindi minamandato ng Bayanihan Law na kilatisin ang bidder para sa mga bibilhing PPE o medical supplies upang makakuha agad ng suplay ng personal protective equipment (PPE) na kinakailangan sa pagtugon sa pandemya.

Ang presidente at chairman ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na si Huang Tyzu Yen na dumalo sa pagdinig ay nagpapatotoo naman na nababayaran lamang sila kapag dumating na sa bansa ang order ng pamahalaan.

Si Senator Cynthia Villar na isang negosyante ay nagpaliwanag naman sa mga posibilidad kung bakit nagkaroon ng kakayahan ang Pharmally na makapagsuplay sa kabila ng maliit na puhunan nito.

Nakakapagtaka raw kasi sa ibang senador na sa kabila na P600,000 lang ang kapital ng Pharmally ay nagawa nitong maproduce ang milyon milyong halaga ng order ng mga PPE.

Samantala, balak din ni Sen. Richard Gordon na ipasilip sa Money Laundering Council ang bank records ni Huang.

 

More in National News

Latest News

To Top