Connect with us

Close contacts ng unang kaso ng lambda variant, negatibo sa COVID-19

Unang kaso ng Lambda COVID-19 variant sa bansa, local case

Breaking News

Close contacts ng unang kaso ng lambda variant, negatibo sa COVID-19

Nagnegatibo sa Covid-19 ang mga close contact ng unang kaso ng lambda variant sa Pilipinas.

Kinumpirma ito ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa media briefing.

Sa ngayon, sinabi ni Vergeire na wala pang karagdagang kaso ng lambda variant ang naitala sa bansa.

Noong nakaraang linggo nang kumpirmahin ng DOH na isang pasyente na 35-anyos na babaeng buntis at hindi Returning Overseas Filipino (ROF) ang nagpositibo sa lambda variant na isang variant of interest.

Ang kaso ay mula sa Region 6 at aysmptomatic at gumaling na sa sakit matapos ang 10 araw ng isolation.

More in Breaking News

Latest News

To Top