Clinical trials para sa mga herbal plant vs COVID-19, sinimulan na

National News

Aprubado na ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagsasagawa ng clinical trials sa iba’t ibang herbal plants gaya ng tawa-tawa at lagundi na posibleng lunas sa  Coronavirus Diesease 2019 (COVID-19).

Nagbigay na rin ng ethic clearance para sa naturang trials ang research ethic boards ng University of the Philippines-Manila (UPM).

Sa ngayon, mayroon ng 20 pasyente ang nakasalang sa clinical trial at nangangailangan pa ng karagdagang 45 para sa pag-aaral.

Isinasagawa na rin ang naturang experiment sa UP-Philippine General Hospital.

Nilinaw naman ng DOST na hindi kinokonsiderang  gamot para sa COVID-19 ang mga herbal plants ngunit mayroon itong potensyal na matulungan ang mga pasyente na huwag magkaroon ng malalang sintomas.

Abril nang magsagawa ng pag-aaral ang DOST patungkol sa pagiging epektibo ng ilang herbal medicines kontra COVID-19.