Connect with us

Clinical trial sa virgin coconut oil, nagpapatuloy – DOST

Mayroon pang patuloy na clinical trial na isinasagawa sa Philippine General Hospital (PGH) para sa paggamit ng virgin coconut oil (VCO) na sinasabing mabisa umano sa symptoms management at napabibilis ang recovery mula sa virus.

National News

Clinical trial sa virgin coconut oil, nagpapatuloy – DOST

Mayroon pang patuloy na clinical trial na isinasagawa sa Philippine General Hospital (PGH) para sa paggamit ng virgin coconut oil (VCO) na sinasabing mabisa umano sa symptoms management at napabibilis ang recovery mula sa virus.

Ito ang inihayag ni Dr. Jaime C. Montoya, Executive Director ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD).

Aniya, ang klinikal na pagsubok ay upang tingnan at obserbahan ang mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nasa ospital.

Tinutukoy dito ni Montoya ang may moderate cases ng coronavirus habang tuloy din ang pagsusuri maging sa mga asymptomatic cases na ginagawa at inuumpisahan na sa Valenzuela City.

Mahigpit ding minamanmanan at minomonitor ng DOST ang mga COVID patients na ito.

Pagbabasehan naman ang magiging resulta nito sa gagawing desisyon ng ahensya kung ia-apply nila ang VCO sa Food and Drug Administration (FDA) para magkaroon ng karagdagang opsiyon ang mga Pilipino ng mga posibleng makatutulong sa paggaling sa sakit na COVID-19.

Pero paglilinaw ni Montoya, hindi gamot ang VCO, bagkus ito ay isang food supplement lamang.

Ang mga naturang pag-aaral na kasalukuyang ginagawa, ani Montoya, ay para makita pa kung ang aplikasyon ng VCO, ay makatutulong ba sa iba pang klase o severity ng COVID-19.

Layon din ng clinical trial na makita ang pagiging epektibo ng virgin coconut oil (VCO) sa COVID-19 na paggaling ng mga pasyente sa UP-Philippine General Hospital (PGH) .

Sa pinakahuling ulat ng DOST, natapos na ang unang pag-aaral sa VCO sa isang komunidad sa Sta. Rosa, Laguna.

Kung matatandaan, inilahad ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na may mga proyekto na suportado ng ahensya o mga inisyatibo na may kaugnayan sa paglaban sa COVID-19, gaya ng pagsubok na klinikal na nakabase sa komunidad na VCO na isinasagawa sa Santa Rosa Community Hospital sa Laguna.

 

More in National News

Latest News

To Top