Claire Dela Fuente, haharap ng 7 taong pagkakakulong kaugnay sa tax evasion

Showbiz

Haharap sa 7 taong pagkakulong si Singer-Businesswoman Claire Dela Fuente matapos siyang kasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay sa tax evasion.

Batay sa ulat, 7 tax evasion cases ang isinampa ng ahensiya laban sa singer dahil sa hindi niya pagpa-file ng income tax returns mula noong taong 1998 hanggang 2004.

Operator si Claire ng Philippine Corinthian Liner Corporation (PCLC) bus company.

Sa kabila nito inatasan ng korte ang kampanya na magbayad ng P150,000 na multa at karagdagang P50,000 na may kasamang subsidiary imprisonment kapag hindi nabayaran ang nasabing halaga.

Gayunpaman, itinanggi naman ng singer ang paratang sa kanya dahil 2005 nagumpisang nag-operate ang bus company niya.

Samantala, hindi na pinaniwalaan pa ng korte si Claire dahil sa iprinisentang dokumento ng BIR mula sa Securities and Exchange Commission (SEC), Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), at Land Transportation Office (LTO).