Connect with us

CIDG, pinabubuo ng team para sa contact tracing sa COVID-19

Pinabubuo ng Philippine National Police ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng team para sa contact tracing.

National News

CIDG, pinabubuo ng team para sa contact tracing sa COVID-19

Pinabubuo ng Philippine National Police ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng team para sa contact tracing.

Ayon kay PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General Camilo Cascolan, inatasan niya si CIDG deputy director Police Brigadier General Roderick Armamento na makipag-ugnayan kay Baguio City Mayor at Tracing CZAR Benjamin Magalong para sa epektibong contact tracing.

Kasabay nito, pinabuo ni Cascolan ang isang team habang isinasagawa ang traning.

Tiniyak naman ni Armamento na handa sila at natukoy na rin ang mga magsasagawa ng pagsasanay sa bawat rehiyon.

Nabatid na ang bubuuing team ay aalalay sa Local Government Unit (LGUs) para sa contact tracing.

More in National News

To Top