Mark Bautista, nakalikom ng pondo mula sa mga paintings nito

Showbiz

Ipinagmalaki ng award-winning singer at actor na si Mark Bautista na naibenta ang lahat ng kanyang mga paintings na bahagi ng shop and share celebrity campaign.

Sinabi ni Mark na nasira ang kaniyang laptop at hindi siya makabahagi sa ilang mga online benefit concerts kaya napag-isipan niyang gumawa ng ibang paraan para makatulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Naibenta ng singer ang 10 sa kanyang mga sariling paintings at umabot sa P410,000 ang kinita nito.

Ang pondong nalikom ay mapupunta sa Shop And Share Ph na pinangungunahan ni Angel Locsin.

Natutuwa rin ito dahil naibenta niya ang lahat ng kanyang mga paintings at nakagawa siya muli ng isang panibagong obra na natapos niya sa kasagsagan ng quarantine.