Connect with us

CHR, hinamon ang NPA na isuko ang mga nasa likod ng pagpatay kay Keith Absalon

"CPP-NPA-NDF terorista, Joma Sison Terorista"

National News

CHR, hinamon ang NPA na isuko ang mga nasa likod ng pagpatay kay Keith Absalon

“CPP-NPA-NDF terorista, Joma Sison Terorista”

Ito ang sigaw ng mga myembro ng League of Parents of the Philippines, Liga Independencia Pilipinas at iba pang mga anti-CPP-NPA organization sa mismong harap ng punong tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Quezon City.

Inihalimbawa nila ang tila kawalan ng kibo ng CHR sa pangyayari sa promising football player ng Far Eastern University (FEU) na si Keith Absalon na namatay matapos masabugan ng landmine.

Ayon kay Ka Remy Rosadio, ang pinuno ng League of Parents of the Philippines, nais din nilang maliwanagan kung saan nga ba talaga panig ang CHR… sa mga magulang ba, sa kanilang mga anak o sa mga kaliwa.

Itutulak na rin anila ang kanilang hinaing na ito hanggang sa International Human Rights Commission (IHRC).

Hinarap naman ni CHR Chairman Chito Gascon ang mga nagkilos protesta sa harap ng kanilang tanggapan at inimbita pa ang mga ito na magkaroon ng dayalogo.

Sa ekslusibong panayam naman ng SMNI News kay CHR Chair Gascon, sinabi nito na kasama naman sa kanilang iniimbestigahan ang mga paglabag na nagagawa ng rebeldeng NPA.

Ani Atty. Chito Gascon,”Pero madami na pagkakataon na ‘pagka umabot sa amin ang mga kaso na ugnay ng pang aabuso ng mga rebelde tulad ng New People’s Army, tulad nitong nakaraang kaganapang sa Masbate kaugnay ng sa magpinsan na Absalon. Titindig din kami at magsasalita tungkol diyan.”

” Matagal, halos nung narinig namin sa media. sabay-sabay ay sinabihan na po namin ang regional office namin na aksyunan ito at nagtayo po ng investigation team.”

Hunyo 6 ngayong taon nang masabugan at mamatay ng itinanim na landmine ng rebeldeng teroristang NPA si Absalon at pinsan nito sa Masbate City habang nagbibisikleta.

Sinabi din ng militar na walang awang pinagbabaril pa ng mga suspek ang mga biktima matapos na masabugan.

Inamin naman ng Romulo Jallores at Jose Rapsing command ng NPA na sila ang nasa likod ng karmaldumal na pagpaslang.

Kaugnay nito ay hinamon ng CHR ang NPA na ilantad at isuko ng mga rebelde ang mga indibidwal na pumaslang kay Absalon.

“Kung sinsero talaga ang mga rebelde na akuin ang responsibilidad sa usaping ito, itukoy nila yung mga salarin ugnay dito sa atakeng ito at ibigay sa kinauukulang awtoridad para humarap sila sa sistemang pangkatarungan,” saad ni Gascon.

“Sapagkat iisa lang ang sistemang pangkatarungan ng ating bansa. hindi pupwede lalo na kung titignan mo sa pananaw ng biktima ng mga kamag-anak, sasabihin nila, “kami ang bahala sa kanila, paparusahan namin.”

“Eh mga rebelde sila. Dapat kung inako na nila na nagkamali, dapat yung mga salarin na yun ay humarap sa husgado.”

Samantala, una na ring pinuna ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang CHR na tila panig sa kaliwa dahil pinapawalang bahala lang ang mga maraming paglabag sa karapatang pantao sa matagal nang panahon nitong CPP-NPA.

More in National News

Latest News

To Top