Connect with us

China, unang bansa na tumulong sa Pilipinas kontra sa COVID-19

Pinakaunang bansa na tumulong sa Pilipinas ang China sa pakikipaglaban sa pandemya.Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte

National News

China, unang bansa na tumulong sa Pilipinas kontra sa COVID-19

Pinakaunang bansa na tumulong sa Pilipinas ang China sa pakikipaglaban sa pandemya.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay pangulo, nang manalasa ang pandemya dulot ng COVID-19 sa bansa, unang bansa aniya na kanyang tinawagan para humingi ng tulong ay ang China.

“Until now, when the pandemic struck, the first country i called for help was china. President Xi, sabi ko, we have no vaccination program here because we don’t have vaccines. We haven’t been able to invent one. We might have a hard time.”

Aminado ang pangulo na may utang na loob siya sa China.

“Ako, lalo na kaming mga bisaya, mabigat sa amin yan. ‘Yung utang na loob, mabigat talaga yan. Kapag may utang na loob ako sa iyo, you will be sure I will be your true friend and die for you,” ani Pangulong Duterte.

Matatandaan na marami ang bumatikos sa pangulo dahil umano sa mahinahon na hakbang nito sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea na kinasasangkutan ng Tsina sa kabila ng panalo ng bansa sa international arbitral tribunal laban sa Beijing.

Muling ipinaliwanag ng pangulo na ang hindi niya pagpatupad ng marahas na desisyon kaugnay sa naturang usapin ay dahil walang panama ang tropa ng bansa kumpara sa military ng China.

Bukod pa dito, matatandaan na halos malaking porsyento ng mga bakuna kontra COVID-19 sa bansa ay nagmumula sa China tulad na lamang ng bakunang Sinovac at Sinopharm.

More in National News

Latest News

To Top