Connect with us

China sa WPS, tinawag na matitigas ang ulo ni Sen. Hontiveros

Matigas ang ulo at isang malaking bully.Ganito inilarawan ni Hontiveros ang China dahil sa patuloy na pananatili ng mga barko nito sa Julian Felipe Reef

National News

China sa WPS, tinawag na matitigas ang ulo ni Sen. Hontiveros

Matigas ang ulo at isang malaking bully.

Ganito inilarawan ni Sen. Risa Hontiveros ang China dahil sa patuloy na pananatili ng mga barko nito sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Ani Hontiveros, dapat lisanin nila ang nasabing bahagi ng karagatan dahil sakop ito ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

“China better pack up and leave the world is catching on to China’s gray zone smokescreen. How long will it keep using ‘civilian’ vessels to pursue military activities in our EEZ? A strategy based on lies and deception does not always make one sublime; sometimes, it also exposes one as lying,” ani Hontiveros.

Tanong pa nito, nililoko ba tayo ng China o hindi nila nauunawaan.

Hindi lang din aniya nag-iisa ang bansa sa pinaglalaban nito na West Philippine Sea.

“We need to act now. we need to expel these ‘fishing vessels’ from our EEZ and dismantle all illegal structures on the reefs and features we claim. Every delay on our end is an opportunity for china to seize what is justly and rightfully ours,”saad ni Hontiveros.

Matatandaang, muling nanawagan din si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa China na paalisin ang Chinese vessels sa Julian Felipe Reef dahil ito ay sakop ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top