Hinirang na best Non- Government Organization ng Department of Social Welfare and Development ang Children's Joy Foundation (CJFI) dahil sa malaking tulong na hatid nito sa mga programa ng pamahalaan.

Children’s Joy Foundation Inc., hinirang na best NGO ng DSWD sa buong bansa

Kingdom News National News

Hinirang na best Non- Government Organization ng Department of Social Welfare and Development ang Children’s Joy Foundation (CJFI) dahil sa malaking tulong na hatid nito sa mga programa ng pamahalaan.

Isang biyaya para sa ahensya ang ugnayan nila sa CJFI bilang kaagapay sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga mahihirap lalo na ang mga kapus-palad na kabataan sa buong bansa.

Kaya naman ay kinilala sa katatapos lamang na 2019 Pa Nata ko sa Bayan Awards ang Children’s Joy Foundation Inc. at ginawaran ng Salamat po Award bilang natatanging social development welfare partner ng tanggapan.

Hinirang ang Children’s Joy Foundation (CJFI) bilang  best Non- Government Organization ng Department of Social Welfare and Development dahil sa malaking tulong na hatid nito sa mga programa ng pamahalaan. Enero 28, 2020 sa DSWD Central Office, Quezon City.

Personal na tinanggap nina CJFI Former Executive Director Ms. Rosemarie Dimagnaong, at ni CJFI Director Mr. Riene Tagupa ang award mula sa DSWD, kasabay ng pagpapasalamat kay CJFI Founder Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa walang hanggan nitong pagtulong at pag-ibig sa mga kabataan.

Hawak-hawak ni CJFI Former Executive Director Ms. Rosemarie Dimagnaong (pink) ang 2019 DSWD Pagkilala sa Natatanging Kontribusyon sa Bayan (PaNata Ko sa Bayan) Awards plaque.
Si CJFI Former Executive Director Ms. Rosemarie Dimagnaong (gitna) ang 2019 DSWD Pagkilala sa Natatanging Kontribusyon sa Bayan (PaNata Ko sa Bayan) Awards plaque kasama ang iba pang CJFI staff. Enero 28, 2020 sa DSWD Central Office, Batasan Complex, Quezon City.
CJFI Former Executive Director Ms. Rosemarie Dimagnaong (pink) at Director Riene Tagupa (ika-lima mula sa kaliwa) kasama ang CJFI sa 2019 Pa Nata ko sa Bayan Awards. Enero 28, 2020.

Nagpasalamat rin si DSWD Secretary Rolando Bautista kay Pastor Apollo na siya ring major benefactor ng CJFI at inalala ang personal nitong karanasan sa butihing Pastor.

Malugod na nagpapasalamat si DSWD Secretary Rolando Bautista kay CJFI Founder Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa napakalaking ambag ng butihing Pastor sa bayan.

Samantala, binati naman ni Pastor Apollo ang lahat ng mga volunteers ng CJFI sa buong mundo sa pagkilala na natanggap nito mula sa DSWD, at nangakong hindi rito magtatapos ang pagtulong nito sa mga batang kapos palad sa Pilipinas at saan mang panig ng mundo.

 

Nagpapasalamat si CJFI Founder Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy sa DSWD at sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay ng CJFI sa pagtulong sa mga kabataang kapus-palad.

Pagpapasalamat ni Pastor Apollo,

I thank the Father for the government, thru DSWD recognizing our efforts to help, and I think this will also propel us to do more, for the children of the Philippines. So, congrats to all the volunteers, CJFI volunteers, members of KJC, for their untiring efforts in helping the advocacy of the Appointed Son for the destitute children beginning in the Philippines and now the rest of the world. So we will continue with this good work and rest assured that we will not stop, we will do more for the benefit of the children.

Mahigit sa 20 taon nang nagbibigay kalinga sa mga kabataang nangangailangan ang CJFI at isa sa mga respetado at highly regarded Social Welfare and Development Agencies (SWDAs) sa bansa.

Hindi lamang ang pagpapakain, pagpapa-aral, kundi lalo na ang moral and spiritual values ang itinuturo ng CJFI sa mga children beneficiaries nito sa ilalim ng superbisyon ni Pastor Apollo.

Dahil sa award, tiniyak ng pamunan ng CJFI ang mas maigting pang pakikipag-ugnayan nito sa mga programa ng pamahalaan sa ilalim ng DSWD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *