Connect with us

CHED sa mga kumakandidato: Gawing election issue ang edukasyon

Hinikayat ngayon ni (CHED) Chairman Prospero De Vera ang mga kumakandidato para sa halalan 2022 na gawing election issue ang edukasyon.

National News

CHED sa mga kumakandidato: Gawing election issue ang edukasyon

Hinikayat ngayon ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera ang mga kumakandidato para sa halalan 2022 na gawing election issue ang edukasyon.

Sa ekslusibong panayam ni  Pastor Apollo C. Quiboloy, chairman ng SMNI at executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ sa kanyang Give Us This Day Program kay de Vera, sinabi nito na ang isang politiko na hindi kayang gumawa ng plataporma para sa edukasyon ay hindi dapat iboto.

“We have to be very sure of who we elect in 2022. We must make sure that those we will elect will not only sustain but make it bigger. So our choice of president, vice president, of senators, of local governments in this election is very critical. We must make education an election issue. We must demand from the candidates their commitment for education.”

No description available.

 

Sinabi din ni “Popoy” De Vera na mas mainam na mailuklok sa pamahalaan ang mga kandidatong kayang ipagpatuloy ang nasimulang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Halimbawa na rito ang free education program ng kasalukuyang administrasyon.

“One of the things that I am planning to do in this election campaign is to mobilize the schools so they could get the candidates- they have to explain before the students so that the students will know who to choose from. Those who can not produce an education platform, they should not be (tumawa). Basic as that.”

Ipinagmalaki din ng komisyon na ang Pilipinas palamang ang natatanging developing country na nag-aalok ng free education sa mga mag-aaral.

Ipinunto din nito na nangangailangan talaga ang Pilipinas ng kaparehong political will ni Pangulong Duterte tungo sa pag-unlad gaya nalang sa larangan ng edukasyon.

Pinayuhan din nito ang taongbayan na maging mapanuri sa kanilang iboboto  sa susunod na eleksyon.

 

 

More in National News

Latest News

To Top