Connect with us

Cellphone ni Dacera, isasailalim sa digital forensic examination ng NBI

Nakatakdang magsagawa ng digital forensic examination ang National Bureau of Investigation (NBI) sa cellphone ng flight attendant na si Christine Dacera.

National News

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inaaasahang matatapos ng NBI ang pagsusuri sa susunod na linggo upang maisumite ang resulta nito sa investigating prosecutor.

Sinabi ni Guevarra na magiging malaking tulong ang resulta ng examination sa resolusyon ng kaso.

Matatandaang labing isang katao ang kinasuhan ng rape with homicide ng Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkamatay ni Dacera.

Enero 1 nang matagpuang wala ng buhay si Dacera sa bath tub sa isang room sa city garden grand hotel sa Makati City kung saan niya ipinagdiwang ang bagong taon kasama ang mga kaibigan.

More in National News

Latest News

To Top