Mas magandang manatili sa Enhanced Community Quarantine ang Cebu City pagkatapos ng June 30.

Cebu City, mas magandang manatili sa ECQ – Cimatu

National News Regional

Mas magandang manatili sa Enhanced Community Quarantine ang Cebu City pagkatapos ng June 30.

Ito ang naging suhestiyon ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu na siyang inatasan para pamunuan ang COVID-19 response sa syudad dahil mataas parin ang kaso ng COVID-19 sa Cebu City pati na rin ang bilang ng mga namamatay.

Sinabi naman ni Cimatu na magtatayo ng mas malaking quarantine facilities sa lungsod ng Cebu upang matugunan ang pangangailangan sa lugar.

Pagtatayo quarantine facility sa Cebu ipinanawagan ng isang senador

Hinimok ni Senator Sonny Angara ang gobyerno na gumagawa o magtayo ng mas maraming mega quarantine facilities sa Region 7 lalo na sa Cebu City dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa tala noong June 28 ay nasa 8,000 na ang kumpirmadong kaso sa Region 7 kung saan ang 4, 962 ng kaso ay nagmula sa Cebu City.

Ayon kay Angara,  ang lungsod ng Cebu ang susunod na COVID-19 hotspot ng bansa kaya marapat lang aniya na pagplanuhan na ang pagtatayo ng quarantine facilities.

Ayon kay Angara, “We need to put up more mega quarantine facilities in Region 7, especially in Cebu City, which could become the country’s next COVID-19 hotspot in the country. The Department of Health should step up its response in Cebu City because the only way that we can flatten the curve is if all areas of the country are able to control the spread of the disease”.

Ayon sa report ng Inter-Agency Task Force (IATF), ang lahat ng mga ospital sa Cebu  ay nasa full capacity na kung saan ay okupado na ang lahat ng hospital beds sa ICU , mga isolation at ang ward beds ay okupado na ang 93%.

Sa buong Cebu Province naman ay nasa 70.3% na ng mga isolation beds ang okupado 58.8% naman sa ICU Beds at 60.27% ng mga mechanical ventilators ang ginagamit na sa mga pasyente.

Agad namang nagpabatid ang IATF na nagsisimula na itong maghanap ng site para sa itatayong mga bagong quarantine facility.

Kahapon ng buksan ang isang quarantine facilities sa Cebu City na kayang tumanggap ng 300 pasyente.