Connect with us

Cayetano, ibabalik parin sa pwesto kahit araw-araw magresign

Iginiit ng isang kongresista na kahit araw-araw na magresign si House Speaker Alan Peter Cayetano ay araw-araw din nila itong ibabalik sa puwesto.

National News

Cayetano, ibabalik parin sa pwesto kahit araw-araw magresign

Iginiit ng isang kongresista na kahit araw-araw na magresign si House Speaker Alan Peter Cayetano ay araw-araw din nila itong ibabalik sa puwesto.

Ito ay matapos magresign si Cayetano kamakailan para bigyang daan ang kahati nito sa puwesto bilang speaker na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco subalit hindi ito natuloy matapos pigilan ng mayorya sa kamara.

Ayon kay Capiz Rep. Fredenil Castro, malinaw na walang numero si Velasco bilang speaker kaya nagmumukha itong kapit tuko sa posisyon.

Giit ni Castro, nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte at iginiit na maganda kung matutuloy ang term sharing agreement sa pagitan ng dalawang kongresista ‘ngunit kung walang numero, kung walang boto, kung walang sumusuporta kay Congressman Velasco – hindi siya makikialam.

Samantala, nanawagan naman si Castro sa mga pro-Velasco na may mga posisyon sa mga komite sa Kamara na magbitiw nalamang din sa puwesto sa halip na traydorin ang kasalukuyang liderato.

Giit ng beteranong mambabatas, kung ‘palabra de honor’ ang panawagan ni Velasco ay dapat yan din ang manaig sa mga kaalyado nito at isuko nalamang ang mga hawak nilang leadership post.

More in National News

Latest News

To Top