CALAX

Cavite-Laguna expressway, maniningil na ng toll fee

National News

Maniningil na ng toll ang CALAX o Cavite Laguna Expressway simula sa susunod na linggo, Pebrero a-10.

Sa abiso ng Metro Pacific Tollway, magkakahalaga ang bayad sa toll para sa mga class 1 vehicles ng P47, P97 para class 2 at P143 naman sa class 3.

Ang naturang halaga ay base sa inaprubahan ng Toll Regulatory Board na ipatutupad na provincial toll fee sa CALAX.

CALAX rate

Tinatayang umaabot sa 6,000 mga sasakyan ang dumaraan sa CALAX kada araw simula nang unang mag-operate noong Oktubre a-30.

Ang CALAX ay ang alternatibong daan patungo sa at galing sa Biñan at Sta. Rosa, Laguna at mula at patungong Tagaytay at Silang, Cavite.