Bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa SoKor, pumalo na sa higit 1,100

Bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa SoKor, pumalo na sa higit 1,100

Pumalo na sa 1146 ang bilang ng naitalang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa South Korea. Ito ay matapos na kumpirmahin ng South Korean Government ang 169 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag. Sa naturang bilang, 12 rito ang nasawi, 6 ang nasa kritikal na kondisyon at 22 ang naka rekober na. […]

Continue Reading

Mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa South Korea, Italy, Iran, ikinababahala ng WHO

Ikinababahala ngayon ng World Health Organization (WHO) ang mabilis na pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa labas ng bansang China. Batay sa report ng South Korea government, umabot ng higit 700 katao ang naitalang apektado ng virus kung saan 6 na ang kumpirmadong namatay na dahilan naman para itaas ang high alert […]

Continue Reading
Alla Ilyina

Babae na umiwas na ma-quarantine dahil sa banta ng COVID-19 sa Russia, sumuko na

Nakabalik na sa quarantine facility ang isang babae matapos tumakas isang araw matapos sumailalim sa quarantine dahil sa banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Russia. Matapos ipag-utos ng Russian court ang pwersahang pagpapabalik sa Botkin Hospital sa St. Petersburg kahapon ay agad namang sumuko ang 33 anyos na si Alla Ilyina. Pebrero 7 nang tumakas […]

Continue Reading

Mga testigo vs KJC Administrators sa Los Angeles, nagsisinungaling – KJC Legal Counsel

Nagsisinungaling ang mga iniharap na testigo kaugnay sa isinampang human trafficking at immigration fraud cases laban sa tatlong administrator ng the Kingdom of Jesus Christ sa Los Angeles. Ito ay ayon Atty. Michael Jay Green ang Chief legal counsel ng the Kingdom of Jesus Christ sa isang pahayag. Ani Atty Green, may mga ebidensiya at […]

Continue Reading
TRUMP

Resolusyon na maglilimita sa war powers ni Pres. Trump vs Iran, ipinasa ng US Senate

Tuluyan nang ipinasa ng US Senate ang war powers resolution na layuning limitahan ang kapangyarihan ni US Pres. Donald Trump na makipagdigmaan sa Iran nang walang pahintulot ng kongreso. Bagama’t kontrolado ng mga kaalyadong republicans ni Trump ang senado, iilan sa mga ito ang nakiisa sa democrats upang maipasa ang panukalang-batas sa pamamagitan ng isang […]

Continue Reading
Pinaplano na ng Department of Health o DOH ang pagsasagawa ng evacuation ng mga Pilipinong nakasakay sa Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama Japan.

40 panibagong kaso ng coronavirus, naitala sa cruise ship sa Japan

Nagtala ng panibagong 40 kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang Diamond Princess Cruise Ship na nakadaong sa Yokohama Port sa Japan. Kabilang sa mga apektado ang isang quarantine officer na sumakay ng barko upang tumulong sa quarantine operations. Ayon sa Japanese Ministry of Health ay sinusunod na nila ang disembarkation protocols para gamutin ang mga […]

Continue Reading

Gamot vs COVID-19, posibleng mailabas sa loob ng mahigit 1 taon – WHO

Posibleng mailabas ang unang vaccine laban sa 2019 Novel Coronavirus (2019-nCoV) sa susunod na 18 buwan mula ngayon. Ito ang inihayag ni World Health Organization Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang pulong balitaan sa Geneva, Switzerland. Sinabi ni Ghebreyesus na dapat gawin ngayon ang lahat ng hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng Coronavirus Disease (COVID-19). […]

Continue Reading
NCOV

Pinakamaraming nasawi dahil sa 2019-nCoV, naitala kahapon

Naitala kahapon ang may pinakamaraming nasawi dahil sa 2019 Novel Coronavirus sa loob lamang ng isang araw. Batay sa huling datos ng Chinese Government, pumalo sa 103 ang bilang ng mga namatay kahapon. Sa kabuoan nasa 1,011 ang bilang ng mga nasawi dahil sa 2019-nCoV mula sa 27 bansa na apektado nito. Nadagdagan naman ang […]

Continue Reading