Connect with us

Caravan of Love Relief Operation ni Pastor Apollo C. Quiboloy, nakarating sa Noveleta, Cavite

Caravan of Love Relief Operation ni Pastor Apollo C. Quiboloy, nakarating sa Noveleta, Cavite

National News

Caravan of Love Relief Operation ni Pastor Apollo C. Quiboloy, nakarating sa Noveleta, Cavite

Namahagi ng tulong ang Caravan of Love Relief Operation ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang Chairman Brgy. Rafael 4, Noveleta, Cavite.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng mga non-government organization ni Pastor Apollo tulad ng SMNI Foundation, Children’s Joy Foundation Inc at Sonshine Philippines Movement.

Kabilang sa mga ipamamahagi ng mga volunteer ang balde-balde ng bigas, kape, easy to cook food, noodles, condiments at marami pang iba.

Dose-dosenang bottled waters rin ang ibibigay sa mga apektadong residente mula sa Galilee Purified Drinking Water, isa sa mga kompanyang sumusuporta sa humanitarian efforts ni Pastor Apollo.

Bukod pa sa mga relief item, namimigay rin ng COVID-19 health kits sa mga benepisyaryo na may lamang face masks, face shields at alcohol upang masiguro na kayang labanan ng mga beneficiaries ang banta ng mas nakakahawang Delta variant.

Namigay rin ng hot meals ang mga volunteers para sa bawat pamilya sa naturang lugar.

 

More in National News

Latest News

To Top