LINDOL ILOCOS

Candon City, Ilocos Sur niyanig ng Magnitude 5 na lindol

Uncategorized

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Ilocos Sur, Lunes ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), alas 4:02 ngayong hapon nang tumama ang lindol kung saan natukoy ang sentro nito sa 55km Hilaga ng Candon City, Ilocos Sur at may lalim na 4 na kilometro.

Unang inirehistro ang pagyanig sa magnitude 4.8 ngunit agad itong binago ng PHIVOLCS.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Candon, City habang Intensity 3 naman sa Vigan City, Sinait, Santa and Magsingal, Sta. Lucia, Santa Maria, Sta. Cruz, San Esteban, Ilocos Sur at San Fernando City, La Union.

Intensity 2 naman ang naramdaman sa Cabugao, San Juan, Bantay, San Ildefonso, Narvacan, Nagbukel, Tagudin, Burgos, Santiago, Sigay, Suyo, Ilocos Sur, Banna, Bacarra, Laoag City, at Batac Ilocos Norte.

May naitala namang Instrumental Intensity III sa Vigan City, Instrumental Intensity II sa Sinait, Ilocos Sur at Instrumental Intensity I sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Dagdag pa ng PHIVOLCS, asahan ang mga aftershock kasunod ng naturang pagyanig.

Sa kasalukuyan ay wala pang nairereport na naitalang pinsala ng lindol.

Agad namang nagreak ang mga netizen kasunod ng pag-uga ng lupa.

Ayon sa isang netizen, tila may bumubuhat sa kanilang tindahan dahil sa lakas ng pag-yugyog nito.

Sabi naman ng isang FB user na nahilo siya matapos ang pangyayari.