Connect with us

Caloocan Police, inatasang tumulong sa contact-tracing sa nangyaring hostage taking

Pinatutulong ang Caloocan City Police sa contact-tracing kasunod ng nangyaring hostage-taking sa lungsod na napaulat na isang super spreader event.

Metro News

Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, makikipagtulungan ang local police sa Caloocan City government, partikular ang Barangay 14, para hagilapin ang mga nagsiksikan at nakiusyoso sa hostage-taking noong Sabado.

Magbababa rin aniya sila ng memorandum para paalalahanan ang kanilang mga tauhan sa mga umiiral na protocols sa paghawak ng hostage-taking at iba pang kahalintulad na insidente, lalo na ang crowd control.

Binigyang diin ng Chief PNP na sa ilalim ng police operational procedure tuwing may hostage-taking ay kailangang tiyakin na malayo sa publiko ang insidente at pagbawalan ang mga hindi awtorisadong tao.

Layunin nito na maiwasang humantong sa mas malalang sitwasyon ang insidente.

Continue Reading
You may also like...

More in Metro News

Latest News

To Top