Connect with us

Cabinet secretary, absent na sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon

No show na sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon ngayon araw sila Health Sec. Francisco Duque III maging ang dating opisyal ng PS-DBM na si Christopher Lyod Lao

National News

Cabinet secretary, absent na sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon

No show na sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon ngayon araw sila Health Sec. Francisco Duque III maging ang dating opisyal ng PS-DBM na si Christopher Lloyd Lao.

Sa huling talk to the people address ni Pang. Rodrigo Duterte noong nakaraang lingo, matatandaan na tuluyan ng pinagbawalan ng pangulo ang kaniyang mga cabinet officials na dumalo sa mga hearing ng Senate Blue Ribbon.

“You know, I want the Cabinet members to focus on COVID-19. It is a pandemic and it has spread throughout the country and in other parts like Davao, Cagayan, Cebu. Malaki pa ang trabaho natin. And I — alam mo pagka pinapatawag mo for nothing and for how many days, para kang sino na… Sus, Gordon uy,” saad ng pangulo.

Gaya ng utos ng pangulo sa pamamagitan ng memorandum order ay wala ng dumalo na mga Cabinet Sec. sa pagdinig.

Dahil dito, si Sen. Richard Gordon, muli na namang bumanat laban kay Pang. Duterte.

Personal na naman ang ginawa nitong atake sa pangulo ng punahin nito ang ginawang pamamasyal ng presidente at ni Sen. Christopher “Bong” Go pagkatapos ang paghahain ng huli ng COC noong nakaraang araw sa Sofitel.

Si Senator Francis Tolentino pinuna naman si Sen. Gordon.

Aniya hindi magandang dalhin ng chairman ng komite ang word war o ang bangayan nila ng pangulo sa harap ng kanilang ginagawang pagdinig.

Ang mga netizen na nakikinig at nanunuod naman hearing ay tila nainip na sa ginagawang hearing ng Senado.

Ayon sa isang komento, dapat nang itigil ni Gordon ang hearing gayong nagsalita na ang COA na wala namang kurapsiyon sa medical procurement ng pamahalaan.

Matatandaan na una ng sinabi ni Pang. Rodrigo Duterte na sasampahan nito ng malversation case dahil sa pag-park nito ng kaniyang PDAF sa Red Cross at ang mahigit na milyon milyong halagang disallowance umano nito sa SBMA.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top