Connect with us

C-130 aircraft ng Philippine Air Force, bumagsak sa Sulu

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang patas na imbestigasyon sa pagbagsak ng isang C-130 plane sa Sulu noong Linggo, ika-4 ng Hulyo.

Breaking News

C-130 aircraft ng Philippine Air Force, bumagsak sa Sulu

Isang C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) ang bumagsak sa bahagi ng Patikul, Sulu.

Ito ay kinumpirma rin ng PAF sa inilabas na pahayag.

“A C-130 aircraft of the Philippine Air Force with tail #5125 figured in a mishap upon landing in Jolo,” saad ng inilabas na official statement ng PAF.

Dagdag pa ng PAF, galing ng Colonel Jesus Villamor Air Base sa Pasay City ang eroplano papuntang Lumbia Airport at naghatid ng mga personahe papuntang Jolo.

PAF Statement

Ayon naman kay AFP chief Gen. Cirilito Sobejana, kaninang alas 11:30 ng naganap ang pagbagsak ng C-130.

“Na-miss niya yung runway trying to regain power at hindi nakayanan bumagsak doon sa may Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu,” pahayag ng AFP chief of staff.

Sinabi naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, sa initial report na natanggap nito, 92 personahe ang sakay ng naturang eroplano kasama na ang 3 pilot at 5 crew.

Dagdag pa ng kalihim, 40 ang sugatan narescue habang nasa 17 katawan naman ang narekober.

Nagpapatuloy pa ang rescue at recovery efforts sa pangyayari.

Patuloy din na inaalam ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

More in Breaking News

Latest News

To Top