Connect with us

Bureau of Customs, binalaang tatanggalan ng pondo sa 2021

Binalaan ni House Committee on Appropriations Chairman Eric Go Yap ang Bureau of Customs (BOC) na may paglalagyan ang mga ito sa darating na bicameral conference committee ng 2021 proposed national budget.

National News

Bureau of Customs, binalaang tatanggalan ng pondo sa 2021

Binalaan ni House Committee on Appropriations Chairman Eric Go Yap ang Bureau of Customs (BOC) na may paglalagyan ang mga ito sa darating na bicameral conference committee ng 2021 proposed national budget.

Isa ang BOC sa tutukan ni Yap bilang tugon sa bagong mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang lahat ng uri ng korupsiyon sa pamahalaan.

Babala ni Yap, babawasan ng o tatanggalan ng pondo ang ahensya kung nararapat dahil sa talamak na isyu ng korupsiyon sa kawanihan.

Bilang chairman ng appro committee, tiniyak ng kongresista na gagamitin nito ang oversight functions ng makapangyarihang komite para silipin kung paano ginamit ang budget ng BOC lalo na ngayon at mahalaga ang bawat piso sa kaban ng bayan dahil sa pandemya.

“Hindi kayo untouchable, if you are doing corrupt practices, now is the best time to stop. Your time will come at sa parating na Bicameral Conference para sa 2021 National Budget, kung kailangang bawasan o tanggalan ng budget ang ahensya, gagawin natin dahil hindi sila nararapat makatanggap ng pondo mula sa kaban ng bayan,” babala ni Yap.

Pangako din ng mambabatas na tutulungan nito si Commissioner Reynaldo Guerrero para hanapin ang anay sa ahensya, i-pinpoint ang mga tiwaling opisyal at linisin ang Bureau of Customs .

Sa huli, siniguro din ni Yap na tutulungan nito si Justice Secretary Menardo Guevarra na siyang inatasan ng Pangulo na imbestigahan ang lahat ng uri ng korupsiyon sa sa gobyerno.

More in National News

Latest News

To Top