Connect with us

Buod ng mga petisyon laban kay BBM, halatang propaganda – BBM Chief-of-staff

Buod ng mga petisyon laban kay BBM, pareho-pareho lang; halatang propaganda - BBM Chief-of-staff

National News

Buod ng mga petisyon laban kay BBM, halatang propaganda – BBM Chief-of-staff

Malinaw na propaganda lang talaga ang layunin ng mga inihaing petisyon laban kay Bongbong Marcos.

Sa panayam ng Sonshine Radio, ibinahagi ni Atty. Vic Rodriguez, ang chief-of-staff ni Marcos na paiba-iba lang ang mga isinulat na complainants sa mga petisyon ngunit pareho lang ang mga buod.

Ito na rin ang dahilan kung bakit humingi ng extension ang kanilang kampo para sa pagsagot ng naturang mga petisyon.

Ang ikinapangit lang umano sa mga complainant, hindi sila lumalaban ng patas ayon kay Rodriguez.

Ito’y dahil hinaharang nila ang pagbibigay extension ng COMELEC sa kampo ni Marcos.

Ngayong araw, November 26 ay sisimulan na ng COMELEC ang preliminary conference sa petisyong nanawagang ipakansela ang certificate of candidacy (COC) ni BBM.

More in National News

Latest News

To Top