Inflation rate sa bansa, bumagal sa 2.6 % noong Pebrero

Bumaba na ang presyo ng ilang agricultural products-DA

National News

Bumaba na ang presyo ng mga pangunahing agricultural products sa Metro Manila matapos itong tumaas ng hanggang 45% sa panahon ng ilang buwang ipinatupad ang lockdown.

Base sa price monitoring reports ng Department of Agriculture (DA), tuluyan nang bumaba ang presyo ng mga karne, isda, at gulay sa mga public market dahil sa dahan-dahang  pagluwag ng daloy ng tao at produkto sa bansa.

Batay rin sa datos ng DA, may ilang produkto na rin na bumaba ng hanggang 71% ang presyo.

Nilinaw ni Agriculture Secretary William Dar na ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng ilang produkto ay hindi dahil sa kakulangan kundi dahil sa mahigpit na checkpoints na pumipigil sa daloy ng mga agricultural produce.