Connect with us

Bulkang Taal, itinaas ng PHIVOLCS sa alert level 2

taal volcano

National News

Bulkang Taal, itinaas ng PHIVOLCS sa alert level 2

Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 2 o increasing unrest ang alert status sa bulkang Taal ngayong Martes, Marso 9.

Ibig sabihin, posibleng may magmatic activity doon na pinangangambahang magdulot ng pag-alboroto ng bulkan.

Sa alert level 2, sinabi ng PHIVOLCS na hindi pa inirerekumenda ang paglilikas sa mga residente.

Gayunman, pinapaalalahanan ang publiko na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island na isang permanent danger zone (PDZ) lalo na sa binisidad ng main crater at ang daang kastila fissure.

Inihayag naman ni PHIVOLCS director at DOST Usec. Renato Solidum, sa panayam ng Sonshine Radio, na ligtas pa sa kasalukuyang alert level ang mga tao malapit sa bulkang taal.

Aniya, “kung nasaan sila ngayon, ok lang sila basta wala sila sa volcano island.”

BULKANG PINATUBO

Samantala, wala namang nakikitang posibilidad si Solidum na puputok ang Mt. Pinatubo sa Zambales mountain range.

Sa kabila na rin ito ng pagtataas sa alert level 1 bulkan kamakailan mula nang ibinaba ito sa alert level 0 noon 1996.

“Wala pa tayong nakikitang suporta sa data. Linawin lang natin yung malalaking na pagsabog, base sa record ng Pinatubo eruption, ay mga daan taon ang pagitan pero yung maliliit na aktibidad, posible pong mangyari yun kaya yun din ang ating binabantayan. Kung wala namang importanteng gagawin sa loob ng crater ng Pinatubo ay mararapat na ‘wag nalang pumasok,” saad pa ni Solidum.

June 15, 1991 ng sumabog ang Pinatubo kung saan mahigit pitong daang katao ang nasawi.

More in National News

Latest News

To Top