Bruno Major ipinagpaliban ang Asian tour

Bruno Major, ipinagpaliban ang Asian tour

Showbiz

Hindi na magtatanghal ang British singer na si Bruno Major sa inaabangang Music and Arts Festival na Wanderland sa susunod na buwan.

Ito ay dahil sa banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Bukod sa pagkansela ng singer sa kaniyang appearance sa festival, ay ipinagpaliban na rin muna nito ang kaniyang Asian Tour.

Anya, hindi madali para sa kanya ang naging desisyon ngunit kailangan niya itong gawin upang matiyak ang kaligtasan ng mas nakararami.

Kasunod nito ay humingi ng paumanhin ang organizers ng music festival sa kanselasyon ng British singer.

Agad naman itong pinalitan ng local artist na si Barbie Almalbis.

Magugunitang si Bruno Major na ang ikalimang international artist na nagpull-out sa Wanderland Music Fest dahil sa banta ng COVID-19.