officials SAP kakasuhan DILG

Brgy officials na nagpapakulong sa mga nagrereklamo sa SAP, kakasuhan – DILG

National News

Sasampahan ng kaso ang mga barangay opisyal na sangkot sa anomalyang may kaugnayan sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Interior and Local Government, aaksyunan na nila ang mga reklamong natatanggap ng kanilang ahensya.

Ito ay matapos makatanggap ng sumbong ang DILG na may pwersang ikinukulong na residente dahil idinadaan sa social media ang kanilang reklamo hinggil sa SAP.

Inabisuhan naman ng DILG ang mga nakabantay sa mga presinto na huwag ikulong ang mga dadalhin ng barangay.

Sa ngayon, nasa 3,000 reklamo na ang natanggap ng ahensya.