Connect with us

Presidential Aspirant Bongbong Marcos, nagnegatibo sa drug test

Presidential Aspirant Bongbong Marcos, nagnegatibo sa drug test

National News

Presidential Aspirant Bongbong Marcos, nagnegatibo sa drug test

Ito ang kinumpirma ng kanyang kampo matapos sumailalim sa drug test sa isang ospital sa Metro Manila at maisumite ang resulta sa NBI at PDEA.

No description available.

Ginawa ni BBM ang hakbang matapos magparinig si Pangulong Duterte na may presidential aspirant na gumagamit ng cocaine.

Ani BBM, hindi niya iniisip na siya ang pinapatamaan ng Pangulo pero sumalang pa rin ito sa drug test para malinawan ang lahat.

No description available.

Diin din nito na mananatili siyang kontra sa paggamit ng iligal na droga at ikakampanya ang pagsawata nito

“Let me reiterate my assurance to my fellowmen, especially to the supporters of BBM-Sara Uniteam, that I am, and will remain, a vigilant anti-illegal drugs campaigner,” ani Marcos.

Hinamon naman nito ang iba pang aspirants na magpa-drug test para matiyak na ang mga mahahalal ay hindi gumagamit ng iligal na droga.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pang. Rodrigo Duterte na may isang presidential aspirant na gumagamit ng cocaine.

No description available.

 

More in National News

Latest News

To Top