Metro Manila, mananatili sa GCQ; Cebu City, muling isasailaim sa ECQ

National News

Mananatili ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) simula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30 habang isailalim muli ang Cebu City sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Ito naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force, Hunyo 16, hinggil sa quarantine status ng bansa.

Samantala, isinailalim din sa GCQ ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Santiago City sa Region II; Aurora, Bataan, Bulacan, Tarlac, Olongapo City sa Region III; Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, and Occidental Mindoro sa Region IV-A sa Luzon.

Sa Visayas naman, isinailalim sa GCQ ang Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor, Mandaue City, Lau-Lapu City in Region VII.

Ang Davao City naman at Zamboanga City ay nasa GCQ sa Mindanao.

Ipatutupad naman modified MGCQ sa natitirang bahagi ng bansa.