BREAKING: Magnitude 5.8 na lindol, yumanig sa Hinatuan, Surigao del Sur kaninang 2:06 pm

BREAKING: Magnitude 5.8 na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Uncategorized

Isang magnitude 5.8 na lindol ang yumanig sa Surigao del Sur kaninang alas 2:06 ng hapon.

Natukoy ng PHIVOLCS ang sentro ng lindol mga 34km Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at may lalim na 45km.

Naramdaman ang mga instrumental intensity sa mga sumusunod:

Intensity III – Bislig City, Surigao del Sur
Intensity II – Gingoog City, Misamis Oriental
Intensity I – Surigao City, Cagayan de Oro City, Kidapawan City; Tupi South Cotabato; Malungon and Alabel, Sarangani.

Dagdag pa ng PHIVOLCS na posibleng magdulot ng pinsala ang naturang pagyanig at mga aftershocks.