kamara binawi ABS-CBN franchise

Kamara, binawi ang pagpasa sa ABS-CBN franchise bill sa 2nd reading

National News

Binawi na ngayong hapon ng Kamara ang pagpasa sa second reading ng HB 6732 o ang ABS- CBN franchise bill nitong nakaraang linggo.

Ito ay matapos panigan ang panawagan ng mga kongresista na nais magtanong at magpasok ng ammendments sa panukala.

Kaya naman ibinalik sa period of debates and ammendments ang franchise bill ng Kapamilya network para makapagtanong ang mga kongresista.

Unang nagtanong si Albay Rep. Edcel Lagman na nauna nang kumuwestyon sa agarang pagkakapasa nang panukala noong nakaraang linggo.

Matatandaang ipinasa sa una at ikalawang pagbasa ang HB 6732 sa loob lamang ng isang araw.

Samantala, bago magsimula ang sesyon, naunang idinepensa ng Kamara na may precedent ang kanilang ginawa noong linggo.

Aniya, isang panukalang batas noong 10th congress ang naihain at naipasa sa 2nd reading sa kaparehong araw.