Brazil, nakapagtala ng 35,000 kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw

International News

Nakapagtala ng pinakamataas na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang bansang Brazil sa loob lamang ng isang araw.

Sa huling tala ng Brazil Health Ministry, nadagdagan ng 34,918 ang kaso ng COVID-19 dahilan upang umabot sa kabuuang 923,189 ang total infections sa naturang bansa.

Umabot naman na sa 45,241 ang kabuuang bilang ng nasawi sa naturang sakit matapos itong madagdagan ng 1,282.

Nasa 490,005 ang bilang ng gumaling sa Brazil na ngayon ay nasa ikalawang pwesto sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.