Connect with us

Bongbong Marcos, muling tatakbo sa 2022 National Elections

Kakandidatong muli si dating  Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2022 national elections.

National News

Bongbong Marcos, muling tatakbo sa 2022 National Elections

Kakandidatong muli si dating  Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2022 National Elections.

Ito ang inihayag ni si  Atty. Vic Rodriguez ang spokesperson ni Marcos matapos ibasura ng Korte Suprema ang electoral protest na inihain nila laban kay Vice President Leni Robredo.

Kaugnay nito, hinihintay ngayon ng kampo ni “Bongbong” ang actual copy ng presidential electoral tribunal’s decision para linawin ang ilang isyu.

Ayon kay Rodriguez, titingnan nila kung ang kabuoang electoral protest ba ang binasura o ang kahilingan lamang sa manual recount.

Sinabi pa nito na posibleng ang desisyon ng Korte Suprema ay tumutugon lamang sa manual recount at judicial revisions sa petisyong inihain ng kanilang kampo.

Mayroon din aniya silang isa pang inihain na tumutukoy naman sa annulment of votes sa rehiyon ng Mindanao.

Matatandaang, napagkasunduan ng Korte Suprema na ibasura na ang protesta ni Marcos dahil sa lack of merit.

Sa ngayon, dismissed na rin ang counter protest na inihain ni Robredo sa korte.

Kung maaalala, natalo ng 246,473 votes si Marcos kay Robredo noong 2016 elections.

Ito ang naging hudyat ng paghahain ng dating senador ng electoral protest sa PET.

Matapos ang recount na ginawa sa mga balota sa tatlong pilot provinces na pinili ng dating senador, lumabas na nadagdagan pa ang lead o agwat ng lamang ni Robredo ng 15,000 votes.

Kabilang sa pilot provinces ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

 

 

 

More in National News

Latest News

To Top