Connect with us

Bong Go, aatras sa pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022

Inanunsyo ni Sen. Bong Go na aatras ito sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa 2022 election.

National News

Bong Go, aatras sa pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022

Inanunsyo ni Sen. Bong Go na aatras ito sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa 2022 election.

Ayon kay Go, ang kanyang pag-atras sa kandidatura ay para maiwasan ang pagkahati-hati ng mga boto para sa administration candidates.

Binigyang-diin ni Go na narealize niyang magkalaban ang kanyang ginagawa sa kanyang puso at isipan.

Ibinahagi rin nito na tutol ang kanyang pamilya na tumakbo kung kaya’t naisip niya na hindi pa siguro niya tamang panahon ngayon.

Nilinaw naman ni Go na nananatili parin ang kanyang hangaring makapagserbisyo sa publiko.

Gusto parin aniya na makapagserbisyo sa kapwa at tumulong na guminhawa ang buhay ng Pilipino.

Ayon pa kay Go, mas maluwag ang kanyang kalooban sa pagtakbo sa pagka-bise presidente kaysa sa pagka-presidente dahil iyon aniya ang kanyang napaghandaan.

Matatandaan na unang binawi ni Go ang kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente para tumakbong presidente noong huling araw ng paghahain ng withdrawal at substitution ng mga kandidato para sa eleksyon 2022.

Samantala, suportado pa rin ni Go ang pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkasenador.

Ani Go, looking forward siya na makatrabaho ang pangulo sa Senado.

Nakatakda namang ihain ni Go ang kanyang withdrawal sa COMELEC ngayong linggo.

May pakiusap din si Sen. Bong Go sa mga natitirang politiko na tumatakbo sa pagkapangulo sa bansa para sa may 2022 elections

Kasunod ito ng kanyang pagwithdraw bilang standard bearer ng PDP-Laban.

Aniya, umaasa siya na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga nasimulang programa at proyekto ng Duterte administration.

Bukod sa kanya, ito rin ang hiling ni Pangulong Duterte na suportado rin ang kanyang desisyon sa pag-atras sa laban nito sa presidential elections sa susunod na taon.

Bagama’t, wala pang sinasabi ang senador kung sino ang susuportahan nitong kandidato sa May 2022 elections.

Aniya, pag-uusapan pa ito ng administration party.

More in National News

Latest News

To Top