Connect with us

BOC, kumita ng lagpas ₱1-B matapos ibinenta ang mahigit 3,500 overstaying container vans

Lagpas pa sa 3,500 overstaying na mga container vans ang naidispatya na ng Bureau of Customs (BOC) simula January hanggang December nitong nagdaang taon.

National News

Dahil diyan ay kumita ang BOC ng ₱1.076 Billion matapos na isinalang sa public auction ang mga laman ng mga containers, kabilang ang TV, tiles, plywood at iba pa.

Gayunman ay sinabi ng customs na maliban sa aspetong pinansyal ay malaking tulong din sa operasyon ng BOC ang pagkakatanghal ng mga overstaying container vans dahil nabawasan ang laman at lumuwag ang mga pantalan.

Ang mga overstaying containers ay kabilang sa mga hinuli at mga inabandona ng mga may ari nito sa hindi malamang dahilan at base sa Section 1141 ng Customs Modernization and Tariff Act, na nagsasaad na ito ay maaaring i-donate, o ideklarang for official use ng bureau, o ibenta sa pamamagitan ng public auction.

More in National News

Latest News

To Top