Connect with us

Bloody Sunday sa Calabarzon, isang lehitimong operasyon – Gen. Sinas

Nanindiigan si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas na isang lehitimong operasyon ang isinagawa ng mga tauhan ng PNP sa Cavite, Laguna at Batangas nitong linggo.

National News

Bloody Sunday sa Calabarzon, isang lehitimong operasyon – Gen. Sinas

Nanindigan si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas na isang lehitimong operasyon ang isinagawa ng mga tauhan ng PNP sa Cavite, Laguna at Batangas nitong Linggo.

Ayon kay Sinas, may sapat na search warrant document ang Police Regional Office 4 (PRO 4) na inisyu ni Manila Regional Trial Court branch 4 Judge Jose Lorenzo Dela Rosa.

Dagdag pa ni Sinas, kung ano man ang kinabibilangang asosasyon ng mga biktima ay nasa ilalim na ito ng isinasagawang imbestigasyon ng ahensiya.

Samantala sa isang pahayag, sinabi ng mga progresibong grupo na sa joint meeting ng National Task Force at Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict in Northern Mindanao sa Cagayan de Oro City, ay hinimok ng pangulo ang mga tropa ng gobyerno na patayin ang mga hinihinalang rebelde at huwag nang isipin ang human rights.

Iginiit ng bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na dapat ay managot sina Pangulong Duterte at NTF-ELCAC Spokesperson General Antonio Parlade sa pagpatay at pag-aresto sa mga aktibista.

Binatikos rin ng BAYAN, tinawag nito bilang “weaponization” ng search warrants at ang pagtatanim ng ebidensya na ginagawa umano ng mga pulis para bigyan ng magandang rason ang kanilang mga aksyon.

Sa isa naman tweet ay sinabi ni Bayan Muna Party-List representative Carlos Zarate na maituturing ang mga madugong raids sa Southern Tagalog bilang “pure terrorism” na ginagamit ngayon para patahimikin ang mga kumokontra sa administrasyon.

Mababatid na ikinasa ng pulisya ang simultaneous operations nito sa Calabarzon base sa search warrants .

Ayon kay Police Regional Office 4-A chief police Lt. Col. Chitadel Gaoiran, nagkasa ng operasyon ang pinag-sanib na puwersa ng PRO-4A, Criminal Investigation and Detection Group  (CIDG) Region 4-A, CIDG National Capital Region, Special Action Force, at Philippine Army kung saan isinilbi nila ang search warrants sa mga hinihinalang komunistang terorista sa Cavite, Laguna, at Batangas.

Ayon kay Gaoiran, may mga narekober ang mga otoridad na pampasabog at ilan pang mga armas sa mga target na indibidwal.

 

More in National News

Latest News

To Top