Connect with us

Black propaganda para sirain ang kredibilidad ni PRRD, malaking kabiguan – Sec. Panelo

Muling binira ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

National News

Black propaganda para sirain ang kredibilidad ni PRRD, malaking kabiguan – Sec. Panelo

Muling binira ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Panelo, ‘total failure’ aniya kung maituturing ang mga black propaganda ng mga taga oposisyon upang sirain lamang ang integridad at kredibilidad ng punong ehekutibo.

Kaugnay nito, kahit nakapokus ang mga paninira, atake at akusasyon ng mga kritiko kay Pangulong Duterte, sabi ni Panelo hindi pa rin nagpapatinag ang presidente.

Bagkus, mas naging agresibo ang chief executive na ipagpatuloy ang kanyang mga magagandang programa at proyekto para sa ikauunlad at ikabubuti ng bansa at mamamayang Pilipino.

Patunay aniya dito ang agarang pag-aksyon ng pangulo lalo na sa mga biglaang umuusbong na problema sa bansa gaya ng kalamidad, pandemya at iba pa.

Maliban dito, saysay ni Panelo, agresibo rin ang administrasyon na sa pagpapatuloy ng mga proyektong imprastraktura na magbibigay ginhawa sa buhay ng mga Pilipino.

Dito naipapakita ni Pangulong Duterte ang katapatan, kagalingan, kamalikhain lalo na ang malasakit nito sa bansa.

Kung maalala, binuweltahan rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga kritiko ni Pangulong Duterte.

Kasabay sa pagbuwelta noon ng Palace spokesman sa mga kritiko ng Presidente, ipinagmalaki ni Roque ang patuloy na itinatayong napakaraming naipatayong imprastraktura at pagtugon sa problemang dala ng COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top