Hurricane Dorian

Bilang ng nasawi sa pananalasa ng Hurricane Dorian sa Bahamas, umabot nasa 20

International.

UMABOT nasa dalawampung katao ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa Ng Hurricane Dorian sa Bahamas.

Ayon sa Bahamian Minister of Health Duane Sands, kabilang sa mga nasawi ang labing 17 katao sa Abaco Island kung saan unang humagupit ang Bagyo at tatlo naman sa Grand Bahama.

Kaugnay nito, posible tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa pagpapatuloy ng search and rescue operation sa mga naturang lugar.

Samantala, naghahanda na ngayon ang South Carolina sa inaasahang paglandfall ng Bagyong Dorian.

Batay sa huling monitoring ng National Hurricane Center’s, posibleng sa araw ng Biyernes manalasa ang bagyo na ngayon ay nasa category 2 na lamang.

Sa ngayon, itinaas na ang cerfew sa Beaufort County sa South Carolina bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Dorian.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *