Bilang ng nasawi sa coronavirus disease o COVID-19, umabot na sa higit 1,300

National News

Umakyat na sa 1,360 ang bilang ng mga nasawi sa corona virus disease o COVID-19.

Ito ay matapos nakapagtala ng 242 na panibagong nasawi sa Hubei province sa China sa nakalipas lamang na magdamag.

Maliban dito, 14,480 rin ang nadagdag sa bilang ng mga bagong kaso.

Dahil dito, umaabot na sa 60,062 ang kaso ng COVID-19 sa mga bansang apektado ng naturang sakit.

99% naman ng naturang kaso ay naitala sa China batay sa datos ng World Health Organization.

Sa ngayon tanging ang Pilipinas at Hong Kong pa lamang ang nakapagtala ng nasawi sa COVID-19 sa labas ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *