Connect with us

Bilang ng nasawi dahil sa Delta variant, pumalo na sa 5

Pumalo na sa 5 ang bilang ng mga nasawi dahil sa mas nakakahawang Delta variant.

National News

Bilang ng nasawi dahil sa Delta variant, pumalo na sa 5

Pumalo na sa 5 ang bilang ng mga nasawi dahil sa mas nakakahawang Delta variant.

Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, mula ito sa 119 na kabuuang bilang ng COVID-19 Delta variant sa bansa kung saan 16 dito ay active cases at 98 ang mga gumaling na.

77 aniya sa mga kaso ay local cases habang ang 42 ay returning overseas Filipino.

Samantala, sinabi ni Vergeire na 6 sa Delta cases ay fully vaccinated na kontra COVID-19, pito ang nakatanggap na ng 1st dose, 29 ang hindi pa nababakunahan habang ang natitirang 77 ay inaalam pa ang vaccination status.

More in National News

Latest News

To Top