umabot 7.3 walang trabaho

Bilang ng mga walang trabaho sa bansa, umabot na sa 7.3 milyon

National News

Umabot na sa 7.3 milyong mga Pilipino ang nasa labor force ngunit walang trabaho sa bansa ngayong buwang ng Abril 2020 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ang tinatayang pinaka mataas na tala ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa ayon sa Philippine Statistics Authority.

Batay sa inilabas na report ng PSA, tinatayang nasa 17.7% ang unemployment rate sa bansa nitong Abril.

Ayon PSA, ang pagtaas ng bilang ng walang trabaho ay bunsod ng ipinatupad na lockdown ng bansa dahil sa banta ng COVID-19.

Mas mataas naman nang higit 12% ang itinaas ng bilang ng mga walang-trabaho sa nitong Abril kumpara sa 5.3% na naitala nitong Enero ng kasalukuyang taon.

Samantala, bumagsak rin ang bilang ng mga may trabaho sa bansa mula sa 94.7% noong Enero ay bumaba ito sa 82.3% nitong Abril.