Connect with us

Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, nadagdagan pa ng 2,638

Binuksan na sa Pasay City ang kauna-unahang contactless automated molecular laboratory sa bansa.

National News

Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, nadagdagan pa ng 2,638

Umabot na sa 359,169 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 2,638 na karagdagang kaso ng coronavirus sa bansa ngayong araw, Oktubre 19.

Ayon sa DOH, ang limang lugar na may pinakamataas na bagong kaso ay ang Quezon City na may 141, Cavite na may 140,Laguna na may 128, Batangas na may 120 at Rizal na may 108.

Sa nasabing bilang ng confirmed cases, nasa 42,191 ang nananatiling active cases.

Umabot naman sa 310,303 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos itong madagdagan ng 226.

Habang nasa 6,675 na ang bilang ng mga nasawi matapos makapagtala ang DOH ng 26 new deaths dahil sa virus.

More in National News

Latest News

To Top