Hurricane Dorian

Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Hurricane Dorian sa Bahamas, umabot na sa 30

International.

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Hurricane Dorian sa Bahamas.

Ayon kay Bahamas Prime Minister Hubert Minnis, mula sa 20, tumaas na sa 30 ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng bagyo.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang kanilang isinasagawang rescue operation sa isla ng Grand Bahama at Great Abaco na pinaka apektado ng pananalasa ng bagyo.

Sa kabuuan, nasa 201 residente na ang narescue ng US Coast Guard.

Kaugnay nito, nananawagan naman ng tulong ang Pamahalaan sa International Community para sa pangangailangan ng libo-libong residente na nanunuluyan ngayon sa mga evacuation shelter.

Samantala, batay datos ng National Hurricane Center huling namataan ang sentro ng bagyo sa bahagi ng Cape Fear sa North Carolina.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *